Huwebes, Nobyembre 3, 2016



BERLIN WALL

Sa aking buong buhay ngayon ko lang naranasan ang makulong. Makulong saan? Makulong sa takot at hinanakit sa aking sarili. Natatakot ako na paano kung wala nang ibang paraan para masolusyunan ang problema, paano kung huli nap ala ang lahat at wala na akong magagawa. Paano kung sumusuko na pala dapat ako pero patuloy pa din ako sa pagpupursigi. Kamusta, ako nga pala si Jiechiel Ann Caparas at ako ay nakatira sa Silangang Bahagi ng Berlin. Hindi ako dito pinanganak subalit kailangan ko magtrabaho para sa pamilya ko, hindi naman sila ganoon kalayo sakin dahil nasa kabilang parte lang sila ng Berlin. Matagal ko na din gusting lumayo sa aking pamilya dahil puro problema lang naman ang dinadala ko dun. Lagi na lang nila sinasabi na wala akong nagagawa para mapaunlad ang aming kalagayan sa pamilya. Kaya simula nang makagraduate ako naghanap agad ako ng trabaho na maaring makatulong sakanila, nang makahanap ako ng trabaho dito sa Silangang bahagi ng Berlin ay nakapagdesisyon na din ako na kumuha ng maliit na apartment para sa aking tirahan. Wala naman magagawa sila mama dahil matanda na ako at kaya ko na ang sarili. Maayos ang trabaho ko dito at bumibisita naman ako kahit papaano sa aking pamilya kahit na ganoon sila. Nang bumisita ako noong August 4 1961, Biyernes ng gabi sa bahay ay may masamang balita na naiparating sa akin. Nasa hospital daw si papa at mayroong malubhang sakit. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil buong buhay ko ay nagagalit ako sakanila dahil sa mga sinasabi nila sakin pero ngayon na nakita ko si papa sa hospital ay tila nalungkot ako at nawala ang lahat ng galit na nasa puso ko. Ako na ang gumastos ng mga bill ni papa sa hospital dahil talagang hindi ko pala kaya na mawala siya. Linggo na ako umuwi noon at ako’y walang gana para magtrabaho dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Dumaan ang ilang araw ay handang handa na ako para bumiyahe ulit para makapunta kay papa at kay mama subalit... Ano ito?? Bakit may harang sa gitna ng Silangan at Kanluran ng Berlin? Bakit mayroon mga sundalo na nagbabantay? Dahil sa aking takot ay tumakbo na lang ulit ako sa aking apartment dahil baka kung ano pa ang mangyaari sa akin. Gulong gulo ang isip ko sa mga pangyayari hanggang sa may isang nagsabi sa akin na dahil daw ito sa alitan ng mga bansa, kaya’t napagdesisyunan na hatiin ang Berlin. Pumunta ako sa aking kwarto at ako’y umiyak ng umiyak doon dahil wala naman na akong ibang kasama sa apartment. Talagang binuhos ko lahat ng aking lungkot. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo pa na ngayon ay may sakit si papa. Paano na siya gagaling? Paano na ang mga bayarin sa Hospital? Hanggang kailan ba itong kamalasan na ito!

  Makalipas ang ilang araw ay hindi ako sanay sa ganitong paligid. Tahimik at parang ghost town kung tawagin, dahil halata sa mga tao ang takot na nararamdaman nila, mayroong mga guwardiya na nakabantay sa Pader subalit madami pa din ang nagbabakasakali na makatakas, kaya’t madami din sakanila ang namatay at kakaunti lamang ang talagang nakatakas. Ang pinakamasakit na nangyari dito ay nagkahiwalay ang lahat, hindi lang ang bansa kundi pati na din ang mga nasasakupan nito. Nagkahiwa-hiwalay ang mga pamilya, magkasintahan, magkaibigan at iba pa. Napaisip na din ako minsan kung paano ako makakatakas nang hindi namamatay pero mukang imposible mas mabuti na muna na maghintay ako at marami pa akong kailangan matutunan at malaman sa mundo na ito. Sa aking pamumuhay dito ay parang wala nang tao na gustong magsalita at lahat ay nakakulong sa sarili nilang bahay. Lahat ay may mga boses pero walang may malakas na loob para ilabas ito dahil sa takot na nararamdaman. Nakakabigo talatga ang pangyayari na ito, at di ko talaga mawala sa isip ko ang pamilya ko dahil sa pagkakataon na ito gusto ko na  bumalik sakanila. Alam ko na hindi lang ako nakakaranas nito pero ang sakit sakit talaga sa damdamin, sana matapos na itong kaguluhan na ito. Ang simpleng alitan ay nagdulot ng kalungkutan sa bawat Berliner.

              Sa aking pag-iisa ay madami akong napagtanto. Naisip ko na kung hindi dahil sa mga sinasabi sa akin ni mama at papa ay hindi ako magiging ganito ka-unlad. Kung hindi dahil sakanila ay hindi ko maabot ang pangarap ko, maaring sinasabi nila ito sa galit na pananalita pero tumatak naman ito sa isip ko. Kung hindi nila ako pinapagalitan walang mangyayari sakin kundi magiging masama lang ako. Ngayon na nagiisa ako dito.. Napaisip ako, sobrang laki pala ng utang na loob ko sakanila pero galit na galit pa din ako sakanila, siguro nga ay kailangan nang palipasin ang galit sa puso dahil wala naman itong magagawa kundi gulo lamang. Nagsisi ako sa mga panahon na hindi ko nasabi sakanila kung gaano ko sila kamahal at kung gaano ako nagpapasalamat dahil sila ang aking mga magulang. Pero paano kung pagbalik ko dun ay mawala na ang lahat? Paano kung hindi na pala nakayanan ni papa dahil sa malubha niyang sakit? Ano na ang gagawin ko?. Nagdadasal ako lagi na sana walang mangyari sa aking tatay dahil gusto ko pa siya makasama, gusto ko pa na malaman niya na mahal na mahal ko siya. Gusto ko balikan yung mga araw na bata pa ako at hindi ko sila kinakausap dahil galit ako sakanila. Pero pano kung pagbalik ko dun wala na pala ang lahat? Ano na ang gagawin ko? Pano kung patuloy akong umaasa sa wala? Imbis na baguhin ko ang nakaraan bakit hindi ko na lang pagbutihin ang hinaharap para sa magandang kinabukasan. Oo, Tama nga, Ipagbubuti ko ang aking trabaho ngayon at patuloy na kakapit sa pananampalataya dahil alam ko na makakatulong ang diyos sa amin.

Makalipas ang dalawamputwalo na taon!! Makalipas ang ilang taon na paghihirap ko na magisa, Bumukas na ang Berlin Wall! Nagbukas ito noong Nobyembre 1989!
Napakasaya ng aking puso at agad agad ay tumakbo ako papunta sa Kanlurang Berlin. Napakadaming tao na tuwang tuwa at nagyayakapan ng makita ko sila. Pag-uwi ko
sa bahay ay hinihingal ako at nung andun na ako ay niyakap agad ako ni mama. Tuwang tuwa siya at naluluha na, mayroon naman ako napundar na pera para kay papa at para na din kay mama. Tinanong ko agad si mama kung nasan si papa. Niyakap niya ako at tila bumulong lang sakin na wala na si papa. Agad na tumulo ang mga luha ko at napayakap din kay mama. Ang sabi niya ay hindi na kinaya ni papa ang sakit niya kaya’t nung nagkaroon ng berlin wall ay makalipas ang isang taon ay namatay din siya. Lubos akong nagsisi sa mga nagawa ko sakanila, ngayon na hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tatalikudan ko na ba ang Diyos dahil laat naman ginawa ko eh, pero bakit ganoon wala pa din magandang nangyayari sa aking buhay. Lahat na lang nawawala, Akala ko pa naman makakasama ko na si papa, hindi ko man lang nasabi sakanya kung gaano ko siya kamahal, hindi ko man lang napaalala sakanya yung mga panahon na masaya kami. Pero ganito nga talaga ang mundo, kailangan mo magpakatatag kung gusto mong mabuhay. Natanggap ko naman ito kahit papaano, kahit na ilang taon akong nawalay sa pamilya ko ay patuloy pa din ang buhay, at ngayon na may pera akong naipon ay maaring magsimula kami ng bago ni mama at syempre hindi mawawala samin ang pananampalataya. Sabi ni mama kung mayroon daw problema ay wag sisihin ang Diyos kundi gumawa na lang ng paraan para masolusyunan ito dahil para ito sa kinakabuti ng bawat tao.

Ang nais ko lang sabihin sa mga nagbabasa nito ay Sa Bawat pagsusubok maiisipan mong sumuko, at sa mga sinasabi ng tao mawawalan ka ng gana lumaban pero hindi ito hadlang para itigil mo ang iyong pangarap. Laban lang ng Laban.

Wag na maghintay bago mahuli ang lahat pasalamatan na ang mga tao at pakita at iparamdam sakanila kung gaano mo sila kamahal bago pa sila mawala sayo.

Jiechiel Ann V. Caparas





Napakahalaga ng oras sa ating lahat. Hindi natin alam kung hanggang kailan natin makakasama ang mga taong nasa paligid natin. Kaya naman habang may oras sulitin natin ito. Hindi sana dumating sa punto na mapapaisip tayo at sasabihing sana pala ginawa ko na lang sana pala linakasan ko ang loob ko. 

Ako nga pala si “Clara”. Nakatira ako sa kanlurang bahagi ng Berlin ngunit ang aking trabaho ay nasa silangang bahagi ng berlin. Araw-araw ako ay bumabyahe at gumigising ng maaga upang hindi ma late sa aking trabaho. Ako ang panganay sa limang magkakapatid kaya malaki ang responsibilidad ko sa aking pamilya.

Ang inspirasyon ko ay ang aking Pamilya. Pamilya na walang kapantay ang pagmamahal. Pamilya na sumusuporta sayo. Pamilya na tanggap ka kung sino ka at Pamilya na hinding hindi ka iiwan. Kaya naman makita ko lang silang masaya ay nawawala na aking pagod. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi ko sila papabayaan. Gagawin ko ang lahat upang makapagtapos sila ng pag-aaral. Sulit lahat ng pagod, hirap, at sakripiyo dahil alam kong may napupuntahan lahat ng ito. Matibay at Masaya ang aming pamilya. Sabay sabay kumain, Nagsisimba, Namamasyal ng magkakasama, Nagbibiruan at higit sa lahat nagmamahalan. Wala nang mas sasarap pa malamang ipinagmamalaki ka ng iyong mga magulang kahit na kung minsan tayo ay nagkakamali handa silang tanggapin ka at mag bigay gabay sa bawat desisyon. Wala na nga akong mahihiling pa sa Diyos. Sobra-sobra ang pasasalamat ko dahil ipinagkaloob niya saakin ang pamilyang ito. Malalaking ngiti sa labi, mga matang kumikinang, , mga punong sumasayaw, mga ibong umaawit ang sumisimbolo ng payapang kapaligiran ng Berlin bago sumapit ang petsang Agosto 13, 1961. Agosto 13,1961. Walang kaide-ideya ang mamamayan sa mangyayari sa araw na ito at isa na ako doon. Gumising ako ng maaga at pagbaba ko ay mayroon ng nakahain na pagkain gawa ng aking Ina. Pagkatapos ko kumain ay agad na akong naligo at nag ayos papuntang trabaho. Bago ako umalis pumunta muna ako sa kwarto ng aking mga kapatid at hinalikan ko sila isa isa sa noo. Bakit tila ang bigat sa pakiramdam? Bakit ako’y nagdadalawang isip na umalis? Hay nako Claire kung ano ano nanaman naiisip mo. Nagpaalam na rin ako sa aking Ina at Itay na aalis na at baka maiwan pa ako ng tren papuntang silangan. At ayan ang huling sandali na nakasama ko ang aking Pamilya. Pauwi na ako nang nagulat ako sa aking nakita. Madaming militar at may mga nagtatayo ng malaking bakod para hindi na makalipat pa. Napakagulo. Maraming nag-iiyakan, Maririnig mo ang putok ng mga baril, Maraming lumalaban. Marami ang nakabantay kaya napakahirap ang tumakas ngunit sinubukan ko parin subalit ako rin ay nabigo. Ginawa ko ang aking makakaya dahil hindi ko kayang mawalay sa aking pamilya ngunit napaka strikto ng mga militar kapag kami ay tumakas at nahuli tiyak na papatayin kami. Sa panahong iyon hindi ko na alam ang aking gagawin. Ako ay natulala na lang sa isang gilid at napaiyak sa sakit at galit na nadarama. Ang hirap mawalay sa iyong mahal sa buhay. Para kaming pinapatay sa sakit na nadarama. Ilang taon kaming nag tiis. Walang komunikasyon. Hindi mo alam kung okay lang ba sila. Tiyak na nag-aalala na ang mga iyon. Sobrang lungkot ko dahil pakiramdam ko mag-isa na lang ako ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa. Lumaban ako. Nag tiwala ako sa Diyos.  Alam kong hindi niya ako papabayaan at ang aking pamilya. Wala akong nagawa kundi mag hintay. Mag hintay na tanggalin ang bungad.  Kawalan ng kalayaan sa loob ng dalawamput walong taon. Isang araw, napagisipan ng gobyerno na tanggalin na ang Berlin wall. Bigla kaming nabuhayan. Agad kaming tumungo upang tignan at totoo nga pinayagan na kaming lumipat. Hinanap ko kaagad ang aking Pamilya. Sobra akong kinakabahan at naiiyak. Laking tuwa ko nang nakita ko sila ng buo. Walang salita ang katumbas sa sayang nararamdaman ko ngayo

n. Kapiling ko na ang aking pamilya. Napaiyak ako sa tuwa. Simula noon ipinangako ko sakanila na hinding hindi na ulit kami maghihiwalay. Naging payapa na rin ang aming bansa at nag simula ulit ng bagong buhay ng Malaya. Napakahalaga ng kalayaan sa isang tao wag natin itong ipagkait dahil karapatan natin ito. Wag agad susuko sa buhay sa halip, mas maging matatag tayo. 


        Claire Marie I. Cariaga




 


                                                                 


                                Isang araw sa isang lugar na tinatawag na Berlin, may lalakeng nangangalang Richard na nagmamahal sa isang babaeng nangangalang Gigi. Si Richard ay napaka-poging binata. Siya ay responsable at matalinong binata. Minsa'y siya ang tumatayong tatay sa kanilang magkakapatid kapag wala ang kanilang magulang. Si Gigi naman ay isang napakagandang dalaga na isa ring magaaral sa pinapasukan ni Richard. Si Gigi ay isa ring matalinong magaaral ngunit tamad minsan. Nagkakilala ang dalawa dahil lumipat ng paaralan si Gigi para sa sekondaryang taon sa mataas na paaralan. Nabighani si Richard sa kagandahan ni Gigi ngunit si Richard ay isang tipo na lalaki na mahiyain kaya hindi muna ito nakipagkilala. Nang magtagal nagpakilala si Richard dito at naging mag kaibigan. Nang magtagal ang pagkakaibigan unting unti nahulog si Richard kay Gigi hindi muna umamin si Richard dahil nahihiya siya at natatakot na masira ang kanilang pagkakaibigan. Nang tumibay ang kanilang pagkakaibigan nagpasiya si Richard na ligawan si Gigi sa kaniya. Pumayag naman siya dahil nahulog si Gigi sa kaniya. Nang makatapos ang pag aaral nilang dalawa sila ay naghanap ng trabaho. Si Gigi naman ay nakahanap ng trabaho sa silangan, habang hirap si Richard na makapaghanap ng trabaho. SInubukan niya maghanap sa kanlurang bahagi ng Berlin. Doon ay madali siyang nakahanap ng trabaho.

Nagpasiya silang manirahan ng magkahiwalay. Dahil mas madadalian sila kapag duon sila maninirahan malapit sa trabaho. Inalok ni Richard SI Gigi ng kasal at pumayag naman ito. At agad ipinaalam sa magulang. Natuwa ang kanilang mga magulang at itinakda ang mga preparasyon para sa kasal na gaganapin sa sampung buwan. Lumipas ang panahon, dalawang buwan na lang ang layo ng araw ng kasal. Sa pag gising nila nung isang araw ay nagulat sila dahil may isang malaking harang na naghahati sa kanlurang bahagi ng Berlin at silangan. Nawala ang kanilang komunikasyon dahil ito ay ipinagbawal. Hindi sila nagkita at nakapag usap dahil sa berlin wall . Pagkatapos ng ilang taon ay itinanggal ito at nakita nalang ni richard si gigi dahil pinuntahan nito ang bahay niya laking gulat ni gigi na nakita niya ang pinaka mahal niya at pagkatapos ng dalawang buwan ay nag pakasal at nagkaroon ng isang anak. Ang anak nila ay napaka cute at sila ay namuhay ng masaya at payapa. 

Richard Catral